cablay "ang kusinerong boxer/DI (dating import)" – Ang dakilang
cook ng tropa, minsan pwede ding bouncer dahil sa laki ng katawan.
Never pa nagkaroon ng gf (pero meron na ngayon, weeeweeeet).
Nagkaroon ng crush sa klasroom dati na pinagkakitaan pa ni allan
dahil ang mga gusting makaalam ay sinisingil ng bente (ganun ka-
private ang hudas na toh' lol)…
ratbu "ang techie guy" – Sobrang lufeeeet pagdating sa computer,
siraniko daw sa totoong buhay sabi ni boss allan (peace). Wag mong
gagalitin, lalo namang wag mong papatawanin kung ayaw mo syang
magkulay b@#*t...
opil "ang babaero ng tropa" – Feeling nya dati naimbento ang
text/unli para makapambabae siya. 25 hours a day kung magtext,
nakakalimutang gumawa ng homework/research works minsan pero
pagdating sa text, alam nya kung kelan at anong oras maeexpire ang
unli nya (san ka pa). Pero ngayong daddy na siya sabi nya ay nagbago
na daw sya (sya ang maysabi nun ah, hindi ako)…
allan "ang attorney" – Naku, panigurado pag nakita nya tong
post/blog na toh' kokontra na agad yan (I object your honor, lol).
Hindi nagpapatalo kahit kanino dahil ang motto nya sa buhay
ay "usapan na nga, magpapadaig ka pa" bukod pa sa "di bale ng maubos
ang yaman, huwag lang ang yabang" (alam kong alam nyo na ang meaning
nito, lol)…
dok "the doktor is in, and out again" – Don't get me wrong, hindi po
doktor ang mamang ito. Palihis lang ang ting nya (pag sa kanan sya
nakatingin, ang totoo non sa kaliwa talaga sya nakatingin. Magulo
ba?). Pero advantage yata na maituturing dahil sa aming lahat, sya
lang yata ang never pang nahuli na may tinitingnang chickas. Laging
walang pera, nung nagsabog yata ng kakunatan si Lord batya ang dala
nya…
luverboy miko "ang loverboy A, B and C ng barkada" – Iba ang ibig
sabihin ng Comfort Room sa taong ito, naks sabay babanat pa yan
ng "I will comfort you" (lol). Mas babaero pa ang taong ito kesa kay
opil (sige na opil magpatalo ka na) pero iba naman pag nagmahal
(naks, chong ilibre mo ko pag nagkita tayo ah???lol)…
adik "ang hari ng sablay" – 1:10 ang ratio ng tagumpay versus basted
rating nya (yaan mo chong, sila ang nawalan hindi ikaw…lol). Sa
tingin ko naman walang problema sa kanya di ko lang alam kung bakit
hindi makatapat ang batang ito. Laging inantok, hindi mo alam kung
wala bang kama sa kanila o baka naman matigas ang unan kaya lagi na
lang inaantok ang taong ito (note: nakatulog na daw sya ng nakatayo
minsan, kung anong posisyon ang ginawa nya ay hindi ko din alam kayo
na lang ang mag-imagine)…
gid pogi "ang piiiiiiiiinakapogi sa tropa" – sabi nya pogi daw sya
(sige kumontra ka ng mabasag ang pagmumukha mo). Pero in fairness
naman, lahat halos ng naging syota nya eh malufet naman talaga at
sabi pa nya ay natatakan lahat (naks parang meat inspector, may
tatak ng pagkasuri). A loyal husband (sansuwi member) and a good
daddy.
fader "ang tanggero (na laging lasing) – Siya ang certified tanggero
ng tropa, pero after 30 mins for sure lasing na sya (chong kamag-
anak mo yata yung tatay ni "Sassy Girl" eh…ehehe). Sobrang lufet sa
taguan ng taong ito, kaya siguro hanggang ngayon eh hindi pa sya
naahuhuli ni ate mitch (baka naman kaya si ate mitch yung mahina sa
hanapan, huh ewan)…
oyots "ang pa-cute ng tropa" – Mga chong aminin nyo, cute naman ako
di ba (lol). Walang kahilig-hilig sa side comment ang batang ito
(weh, hindi naman obvious). Mas bata ng 8 months and 3 days kesa kay
bossing (anong konek??? sige na pagbigyan na sya naman gumawa nito
eh). Malakas lumamon pero payat iisipin mo tuloy na nag-aadik kahit
di naman marunong magyosi (inom babae lang talaga ang bisyo, lol
baka maniwala si madz nyan hehehe)…
bossing "ang bossing ng tropa (in short, sya ang pasimuno)" - Lahat
yata ng kalokohan ng tropa eh kung hindi sya eh isa sya sa mga
pasimuno. Wag makikipagtalo sa taong ito dahil never kang mananalo.
Sabi nya marami daw sya kadikit na matataas na police officials gaya
nila Maj. Cruz, Cap. Ramos at Lt. Valmadrid kasama na ang kanyang
tito na si Col. Lugos (lol).
tatang "anyeee, naiwan ko ang susi" – Galante sa chickas pero
makunat sa katropa, kung hindi pa nya naiwan ang susi sa loob ng
kotse eh hindi kami maililibre ng lunch. Pero in fairness naman eh
OK katropa si tatang medyo, este hindi pala medyo dahil sobrang
makakalimutin sya dala na siguro ng edad (bawal ang beans, lol)…
mikee boy "ang batang autistic" – may sariling mundo ang taong ito,
minsan hindi mo alam kung ano ang trip nya. Minsan tawa ng tawa
tapos bigla na lang maiinis, mas madalas pa yata sa pag-utot ni Gid
ang mood swings nya eh. Minsan ng umiyak kasi na celfone ang kaharap
pero hanggang ngayon eh idinedeny pa rin nya kahit na 5 kaming
nakakita…
Thanks to Anthony for the description.
No comments:
Post a Comment